Monday, March 7, 2011

Valediction sa Hillcrest by: Rolando Tinio

Valediction sa Hillcrest by: Rolando Tinio

Pagkacollect ng Railway Express sa aking things
(Derecho na iyon sa barko while I take the plane),
Inakyat kong muli ang N-311 at dahil dead of winter,
Nakatopcoat at galoshes akong
Nagright turn sa N wing ng mahabang dilim
(Tunnel yatang aabot hanggang Tondo.
Kinapa ko ang switch sa hall.
Sa isang pitik, nagshrink ang imaginary tunnel,
Nagparang ataol.

Or catacomb,
Strangely absolute ang impression
Ng hilera ng mga pintong nagpuprusisyon:
Individual identification, parang mummy causes,
De-nameplate, de-numero, de-hometown address.
Antiseptic ang atmosphere, streamlined yet/
E filing cabinet.

Filing, hindi naman deaths, ha.
Remembrances, oo. Yung medyo malapot
Dahil, alam mo na I’m quitting the place
After two and a half years.
After two and a half years,
Di man nagkatiyempong mag-ugat, ika nga,
Siyempre’y naging attached, parang morning glory’ng
Mahirap mapaknit sa alambreng trellis.

At pagkabukas ko sa kuwarto
Hubo’t hubad na ang mattresses,
Wala nang kutson sa easy chair.
Mga drawer ng bureau’y nakanganga,
Sabay-sabay nag-ooration,
Nagkahiyaan, nabara.

Of course, tuloy ang radiator sa paggaralgal:
Nasa New York na si Bob and the two Allans,
Yung mga quarterbacks across the hall
Pihadong panay sa Des Moines.
Don and Constance aren’t coming back at all.
Gusto ko mang magpaalam—
to whom?
The drapes? the washbowl? sa double-decker
Na pinaikot-ikot namin ni Kandaswamy
To create space, hopeless, talagang impossible.
Of course, tuloy ang radiator sa paglagutok.
And the above silence,
nakakaiyak kung sumagot.)

Bueno, let’s get it over with.
It’s a long walk to the depot.
Tama na ang sophistication- sophistication.

Sa steep incline, pababa sa highway
Where all things level, sabi nga,
There’s a flurry, ang gentle- gentle.
Pagwhoosh-whoosh ng paa ko,
The snow melts right under:

Nagtutubig, parang asukal,
Humuhulas,
Nagsesentimental.

Ambon, Ulan, Baha by Frank Rivera

Frank Rivera presents .Ambon, Ulan, Baha

“AMBON ULAN BAHA” is a two-hour ethno-rock modern zarzuela that showcases twenty original musical scores inspired by kundiman, balitaw, ethnic and modern musical trends with choreography based on ethnic, folk/traditional and creative dances.

An original production of the celebrated Mindanao State University –Sining Kambayoka ( founded by Theater Artist Frank G. Rivera ) in 1978, “ Ambom…” was remounted by Teatro Metropolitano through NCCA Grant in 1992, also at the helm of Rivera.
This long –time running musicale which predicted the Ormoc tragedy in 1991, highlights environmental concerns and focuses on the preservation of Philippine forests. It also deals heavily on Filipino values, the importance of education, religion, family and youth. It also carries relevant commentaries on socio-economic and political issues of the times. It aims to educate its audiences especially the youth about issues of urgent and national importance.
To – date, ARNAI’s “ Ambon, Ulan, Baha” has been sponsored by several organizations and institutions and has seen more than 500 performances.
The zarzuela’s success in depicting the Filipino lives after almost three decades after it was first staged, proved its timelessness and its relevance to the evolutions of Philippine Theater.
Its music, inspired by folk/traditional songs like balitaw and kundiman, formerly considered provincial “ bakya “ , and unsophisticated as compared to “mainstream” of legitimate theater, proved to be good venue for improvisation and fusion, thus exploring and experimenting for new forms.
Its dances: a fusion of folk/traditional, modern and creative movements showcase creative interpretation of the play’s songs and scene.

Gagamba by Sionil Jose

Gagamba bY; Sionil Jose

GAGAMBA, the cripple, sells sweepstakes tickets the whole day at the entrance to Camarin, the Ermita restaurant. He sees them all—the big men, politicians, journalists, generals, landlords, and the handsome call-girls who have made Camarin famous. In mid-July 1990, a killer earthquake struck and entombed all the beautiful people dining at the Camarin. Gagamba could have easily gotten killed—but he survived the earthquake, as do two other lucky people who were buried in the rubble.

As told by the Philippines’ most widely translated author, this novel raises a fundamental question about life’s meaning and suggests at the same time the only rational answer.

Maynila, Pagkagat ng Dilim

Maynila, Pagkagat ng Dilim

Bakit itinuturing na isa sa mga pinagpipitagang pelikula ni Direktor Ishmael Bernal ang Manila By Night (Regal Films, Inc.)? Ating balikan ang pelikulang umani ng papuri mula sa mga kritiko noong taong 1980. Kilala si Bernal sa paggawa ng mga pelikulang puno ng iba't-ibang pangunahing tauhan. Tahasang isinaad sa pelikula ang suliraning pang lipunan sa kalakhang Maynila. Mula sa isang simpleng tinedyer (William Martinez) na anak ng dating putang nagbagong buhay (Charito Solis) hanggang sa isang tomboy na drug pusher (Cherie Gil), may bulag na masahista (Rio Locsin), nariyan din ang taxi driver (Orestes Ojeda), ang kabit niyang nagkukunwaring nars (Alma Moreno), mayroon ring probinsyanang waitress (Lorna Tolentino) at ang baklang couturier (Bernardo Bernardo) na bumubuhay sa kanyang pamilya. Iba't-ibang buhay ng mga taong pinagbuklod ng isang malaking siyudad. Tinalakay ng pelikula ang problema sa droga, prostitusyon, relihiyon at kahirapan na magpasahanggang ngayon ay mga suliraning hinahanapan pa rin natin ng solusyon. Maraming nagkumpara ng Manila By Night sa obra ni Direktor Lino Brocka ang Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag. Kung saan nagkulang ang pelikula ni Brocka ito naman ang landas na tinahak ng obra ni Bernal. Hindi lamang nito ipinakita ang lumalalang situwasyon ng kahirapan sa Maynila sa halip ay hinarap nito ang ibang mga isyung hindi tinalakay sa pelikula ni Brocka. Sa aspetong ito mababanaag ang malaking pagkakaiba ng dalawang pelikula. Kung panonoorin sa ngayon ang Manila By Night masasabing may kalumaan na ang tema nito, di tulad ng unang ipinalabas ang pelikula sa mga sinehan. Matatandaang kinatay ito ng Board Of Censors sa utos na rin ng Unang Ginang na si Imelda Marcos dahil taliwas ito sa imahe ng Maynilang ipinagkakapuri ng administrasyong Marcos. Halos lahat ng linya sa pelikulang sinabi ang katagang Maynila ay pinutol. Pati na rin ang mga maseselang eksena sa pelikula ay iniklian o kaya ay tuluyang ginunting ng opresibong sensura. Hinarang din ng gobyerno ang dapat sanang pagpapalabas ng Manila By Night sa Berlin Film Festival.

Makaraan ang dalawampu't anim na taon mula ng ipalabas ang Manila By Night ay masasabing halos walang binago ang panahon kung susuriin natin ang mga suliraning pang lipunan ng Pilipinas. Nariyan pa rin ang problema sa mga ipinagbabawal na gamot, ang prostitusyon at kahirapan. Sino ba talaga ang dapat sisishin sa lahat ng mga ito? Ang pamahalaan ba? Tayong mga mamayan? Hanggang ngayon wala pang sagot sa mga tanong na ito. Nararapat nating pasalamatan ang mga direktor na tulad ni Ishmael Bernal na sa pamamagitan ng paggawa ng mga obrang tulad ng Manila By Night, isang pelikulang nagmulat sa ating kaisipan sa suliranin ng bansang Pilipinas.

Regla Sa Buwan Ng Hunyo ni Ruth E. Mabanglo

Regla Sa Buwan Ng Hunyo ni Ruth E. Mabanglo

Pagbigyan ang pwersang ito:
lakas na umaahon sa sinapupunan,
init na sumusubo, dumadaloy, umiigkas,
kusang lumalaya't lumalayaw
kahit na sinusupil,
dumadanak at bumabakas
hatdan man ng hilahil.

Pagbigyan ang pwersang ito--
ito:
kabuuan ng lahat kong pagkatao,
kabuuan ng kaibhan ko't pagkakatulad
sa lahat ng tao,
kabuuan ng naimpok kong alaala't
ginagastang kasalukuyan
kabuuan ng kinabukasang isinasanla
sa kalendaryo.

Pagbigyan ang pwersang ito--
hayaang magmapa sa talaan
ng utang ko't pautang,
hayaang maglimbag ng sagutin ko't
pananagutan:
sa sarili, sa angkan at sa lipunan:
hayaang magbadya
ng karaingan ko't pangangailangan,
ngayon,
habang nilalason ng maraming kabaro
ang itlog at semilya
at binubulok naman ng iba
sa sansupot na goma
ang bunga ng pag-ibig at pagtatalik.
Ay, anong kilusan, martsa't litanya
upang mapuksa ang sanggol
nang buong laya?
Ilang liblib na klinika, basurahan at
kubeta
ang pag-iimbakan ng kapusuka't sala?
Kahit ang ampunang nagbobodega
ng pananagutang itinatwa
may sumbat ng kalikasang
di matatakasan.

Pagbigyan ang pwersang ito--
ismiran ang humuhugot na kirot,
batahin ang hagupit
habang tinatanggap, tinatanggap
ang katuturang
pumapaso sa pagtigmak.

Ito ang pagtagay sa Hunyo
sa kalis ko--
nobya,
asawa,
kerida,
o kahit ng bayarang tagapagpaligaya:
ito ang testamento, ang kontrata, ang
sumpa:
ito ang saligan,
ang kahulugan at kahungkagan
ng buhay at pag-iral.
Pagbigyan,
ito,
ang agos ng madlang pagsulong--
hininga ng pag-asa
ang namimilapil dito.

The World Is an Apple by A.Florentino

The World Is an Apple

This is a story of how wrong decisions become greater burdens to a family. Mario’s family happens to be in the lower bracket of society. He cannot even provide for his family’s basic needs. Albeit all this hardships, his wife Gloria, still manages to keep her good virtuous. She insists that the way they are living is a much better than the one they will have if they do wrong acts. But Gloria’s entire constant reminder to Mario did not prosper. Mario decided to come back to his old life of crime when he lost his job when he tried to steal an apple for his daughter. He keeps on insisting that his priority is to provide what his wife and daughter needs. He left with Pablo, his old crime buddy, even if Gloria pleaded very hard for him not to go with the man.
This is a sad representation of what is happening in the society today. Due to lack of better opportunities to heighten one’s standard of living, some become entangled with the wrong crowd. By doing so, these individuals do not help their family at all; instead, they end up worsening their family’s problem. It is man’s basic instinct that drives him towards his survival. But, no matter what, he should not forget that society expects him to conform to its norms. One’s action is weighed right or wrong and thus should be kept towards the proper action.

Gabi ng iSang piYon (Lamberto E. Antonio)

Gabi ng iSang piYon (Lamberto E. Antonio)


Paano ka makakatulog?
Iniwan man ng mga palad mo ang pala,
Martilyo, tubo’t kawad at iba pang kasangkapan,
Alas-singko’y hindi naging hudyat upang
Umibis ang graba’t semento sa iyong hininga.
Sa karimlan mo nga lamang maaaring ihabilin
Ang kirot at silakbo ng iyong himaymay:
Mga lintos, galos, hiwa ng daliri braso’t utak
Kapag binabanig na ang kapirasong playwud,
Mga kusot o supot-semento sa ulilang
Sulok ng gusaling nakatirik.
Binabalisa ka ng paggawa —
(Hindi ka maidlip kahit sagad-buto ang pagod mo)
Dugo’t pawis pang lalangkap
Sa buhangin at sementong hinahalo na kalamnang
Itatapal mo sa bakal na mga tadyang:
Kalansay na nabubuong dambuhala mula
Sa pagdurugo mo bawat saglit; kapalit
Ang kitang di-maipantawid-gutom ng pamilya,
Pag-asam sa bagong kontrata at dalanging paos.
Paano ka matutulog kung sa bawat paghiga mo’y
Unti-unting nilalagom ng bubungang sakdal-tayog
Ang mga bituin? Maaari ka nga lamang
Mag-usisa sa dilim kung bakit di umiibis
Ang graba’t ‘semento sa iyong hininga...
Kung nabubuo sa guniguni mo maya’t maya
Na ikaw ay mistulang bahagi ng iskapold
Na kinabukasa’y babaklasin mo rin.